Jump to content

Ang Baboy at ang Punong Mangga

From Wikisource
Ang Baboy at ang Punong Mangga
by Amado V. Hernandez
300889Ang Baboy at ang Punong ManggaAmado V. Hernandez

Sa isang looba’y sinungkal ng baboy
ang namumulaklak na manggang mayabong
Kaya’t siya’y dagling hinuli’t kinulong;
baboy ay tumiling tila kinakapon
at halos maglagot sa nangyaring yaon.

Dinig sa malayo ang pagpapalahaw
at ihinahampas ang kanyang katawan…
“Nasaan ang sabing may hustisya sosyal?
nahan ang umano’y may pagkakapantay?
ikinulong ako’y nag-aaliw lamang?

“Masarap kong lama’y pagkain ng lahat,
pagka walang litson o hamong masarap,
ay dukha ang piging,” ang palalong sumbat;
“taba ko’y mantika, apdo ko’y panlunas,
sepilyo ang buhok, sapatos ang balat.”

Ang mangga’y pumakling payapa’y lumanay:
“Kasi’y magkaiba tayo ng paraan —
ako’y nagbubunga sa buo kong buhay,
ikaw’y patabain at bago magbigay
kailangan munang lapai’t mapatay!”

“Samantalang ikaw, mapalad na mangga,
na kung mamunga ma’y maasim ang bunga,
busog sa alaga at dilig tuwi na,
pinauusukan sa hapo’t umaga…
A, sadyang sa mundo’y walang demokrasya!”


This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
  • It is an anonymous or pseudonymous work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is an audiovisual or photographic work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is a work of applied art and 25 years have passed since the year of its publication
  • It is another kind of work, and 50 years have passed since the year of death of the author (or last-surviving author)