Marangal na Dalit ng Katagalugan
Appearance
Mabuhay, mabuhay yaong Kalayaan
At pasulungin ang puri't Kabanalan.
Kastila'y mairing ng Katagalugan
At ngayo'y ipagwagi ang kahusayan.
Mabuhay, mabuhay ang Sangkapuluan
At ngayo'y ipagdiwang ang Kalayaan.
Ang pamimiyapis siyang pagsikapan
At Kastila'y mamatay sa Kasamaan.
Mabuhay, mabuhay ang Sangkapuluan
At ngayo'y ipagdiwang ang Kalayaan.
Kaya'y iwagayway bandilang Kamahalan.
Kastila'y mairing ng Sangdaigdigan.
This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
|